Wednesday, October 7, 2009

ugly truth.

yesterday was indeed a tiring day.but extraordinary,i must say.

i finally had a meaningful off again.

muli kong binalikan ang buhay bilang masscom student.my friend kase has an advocacy in regard to disabled citizens (which they highly recommend to be termed as PWD - people with disability instead) towards the upcoming 2010 Election.i am not really particular sa concept talaga but so far,it's all about giving rights to the said PWD as a Filipino citizen.

nakakapagod.wala kameng dalang permit,kaya may mga pagkakataon na patago at panakaw ang mga shots.ewan ko ba,alam namen na isa sa mga basics 'yun na dapat isecure sa preprod pero wala kameng dala.tama na ang digicam at tripod.reshoot na kase,deadline na ng 5-min indie film nya sa Lunes,so we really don't have much time now.lakad,takbo.at dahil PWD ang target,kinailangan namen na maghanap ng mga subject.venue?cubao footbridge at cubao mrt station.tumambay kame sa isang kanto sa Edsa.Maraming tao,magulo.Hinanap namen yung date nyang nakita during her occular inspection pero hindi namen sya naabutan.but patience is a virtue,we were talking about the pantene commercial when a PWD crossed the street.in all fairness,ang bilis nya,so habol talaga kame.result?mejo blurred ang mga shots.the last one that we had yesterday will be a blind woman named Maridick.She was alone when we saw her,asking a vendor kung saan yung papunta sa mataas na building na katapat ng seven eleven as she plainfully decribed it.we noticed she needed help plus the fact that,yes,she's a potential subject as well.we assisted her 'til we reached Blind Resources Center.Doon tumambad sa amin ang ilang Pilipinong kagaya nya na patuloy na nabubuhay sa kabila ng kapinsanan na mayroon sila.agaw-pansin sa akin ang babaeng nasa front desk.she was wearing her headset,blissfully conversing with someone when i noticed the display on top of her desk,it has her name,and it's indicated there that she is also blind but we can seek help from her though.right,nabubuhay at nagtatrabaho pa rin ng parang normal.inusisa ko si Ate Maridick,dun ko nalaman na may asawa at mga anak sya and that she's from Cavite.i just can't imagine how she managed heading from Cavite to Cubao all by her self considering that she is blind.samantalang ako,normal na tao,hindi makaalis mag-isa.pathetic na ata ang case ko.pathetic na nga ata ang case ng ilang Pilipino.May ilan akong natutunan,maliban sa narefresh ang utak ko with regards sa film making.Nakakapagod,eto yung pagod na matagal ko na ring hindi naranasan.Fulfilling.

We headed to Greenhills,St. Francis Square and Mega Mall after to check some stuff.Marami kameng nakasalamuhang tao.Mga kapwa Pilipino.With that,I was able to open my eyes again sa hirap na dinaranas ng Pinas.Nakakaguilty,nakakapanglumong mga senaryo,nakakagising.Isa sa mga pangit na katotohanan.Minsan gusto ko nang intindihin kung bakit mageexist and mga "tibak."Mahirap ang paraan nila ng pakikipaglaban,pero i must say,saludo ako sa tapang at paninindigan nila.Tibak,iba ka!

Magdadalawang linggo na ang nakakaraan matapos dumaan ang Bagyong Ondoy na naging hamon sa maraming Pilipino.Maraming lugar pa rin ang lubog sa baha,marami pa ring mamamayan ang itinuring na tahanan ang kapirasong bubong na tinutuluyan.State of the National Calamity.Nakakapanglumo.Nakakawalang pag-asa sa ilan.Pero hindi tayo dapat huminto dito,kagaya ni Ate Maridick sa patuloy nyang pakikipaglaban.
BABANGON TAYO.Sabi nga,may imposible sa mga Pilipino?